Pilipinas kulelat pa rin sa Bloomberg COVID-19 resilience ranking

Nananatili pa ring kulelat ang Pilipinas pagdating sa Bloomberg COVID-19 resilience ranking para sa buwan ng Nobyembre.

Ito ay sa kabila ng tumataas na vaccination rate at bumababang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa pinakahuling report ng Bloomberg, nasa hulihan pa rin ang Pilipinas sa 53 na mga bansa na kasama sa listahan.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Nakuha ng bansa ang resilience score na 43.1 mas mataas sa 40.5 na score nito noong Oktubre.

Sa kabila nito hindi pa rin gumalaw ang Pilipinas sa 53rd spot kasunod ng Indonesia, Vietnam at Malaysia.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Hinirang naman ang United Arab Emirates bilang “best place to live in during the pandemic” matapos makakuha ng resilience score na 73.2, sinandan ng Chile na may 72.6, Finland na may 71.3, Ireland na may score na 71.2, at Spain na may 70.9.