Manager ng boksingero na si Ador ‘The Terminator’ Torres, nanawagan ng suporta sa mga Sorsoganon

Nanawagan ng patuloy na suportang moral ang manager ni Asian Boxing Welterweight Federation Champion Ador “The Terminator” Torres mula sa mga kababayan nitong Sorsoganon para sa mga susunod pang laban ng boksingero.

Sa eksklusibong panayam ng Brigada News Sorsogon kay Darwin Miller Angelo Dep-ay, malaking bagay ang moral support na nakukuha ni Ador mula sa mga Sorsoganon dahil lalo umano itong ginaganahang lumaban at pag-igihan pa ang pag-eensayo.

Si Torres ay itinanghal bilang bagong Asian Boxing Welterweight Federation Champion matapos nitong padapain via Technical Knockout sa ikaapat na round ang kalabang Thai na si Meechaiya Kaiwiset noong December 28,2022 sa Bangkok, Thailand.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Pagbibida pa ni Dep-ay, lahat ng naging laban ni Ador sa Thailand simula nitong August 2022 ay nauwi sa knockout kaya naging sunod-sunod ang panalo nito bago nakuha ang pinakamalaking panalo bilang bagong Asian Boxing Welterweight Federation Champion.

Ayon pa sa manager ng boksingero, napakasimpleng tao ni Ador, mapagpakumbaba, maka-Diyos at dedikado sa pagboboksing.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayaw umano nito na minamaliit ang kalaban, sa halip ay mas pinag-iigihan nito ang pag-eensayo.

Kwento nito, una niya umanong nakilala si Ador sa Baguio habang nag eensayo sa isang gymn.

Nasabi umano nito sa kanya na gusto nitong magboksing at doon na nagsimula ang karera nito bilang amateur boxer hanggang sa maipanalo ang iba’t-ibang mga laban.

Si Ador “The Terminator” Torres ay tubong Sta. Magdalena, Sorsogon.