Binigyang-diin ng ilang mambabatas na ‘imposibleng’ kontrolin nina House Speaker Martin Romualdez at House Appropriations Committee chairperson Rep. Elizaldy Co ang budget ng Office of the Vice President.
Ito ay matapos ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte na kontralado raw ng dalawang naturang kongregista ang budget ng kaniyang tanggapan.
Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay AKO BICOL party-list Rep. Jil Bongalon, sinabi nitong napaka-imposible ng mga akusasyon ni VP Sara.
Aniya, ang House of Representative ay binubuo ng higit 300 congressmen; hiwalay pa sa Senado.
Dahil dito – malabo raw na kontrolin ng dalawang House leaders ang Pambansang Budget.
Sa huli, muling idiniin ng mambabatas na handa naman silang bigyan ng respeto at kortesiya ang OVP.
‘Yun nga lang – ang respeto raw ay dapat parehong ibinibigay ng dalawang partido, at sa pagliban ni VP Sara sa briefing ay malinaw na hindi raw ito ipinakita ng OVP.