Executive session – malabong ibigay kay Guo ayon sa ilang Senador

Nanindigan si Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Senadora Risa Hontiveros na walang dahilan para pagbigyan ang kagustuhan ni dismissed Bambam, Tarlac Mayor Alice Guo na executive session.

Sinabi ng abogado ni Guo na si Atty. Stephen David na kung gusto talagang maisagawa ang imbestigasyon ‘in aid of legislation,’ makukuha nila ang lahat ng impormasyon mula sa dating alkalde sa naturang sesyon.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Idiniin ni Hontiveros na wala silang nakikitang rason para maniwala na si Guo Hua Ping ay magbibigay ng ‘factual, valuable,’ at ‘reliable information’ para makubinsi pa sila na gawin ang excutive session.

Read More:  Ukrainian firm facing money laundering charges sent funds to Duterte-linked company

Ni-hindi nga umano nito maamin na siya ay Chinese, at ipinanganak sa China sa kabila ng nakalatag na mga ebidensya.