DA, nananatiling kumpiyansa sa bakuna kontra ASF

Nananatiling kumpiyansa at positibo ang Department of Agriculture (DA) sa ikinasang bakunahan hinggil sa African Swine Fever (ASF).

Ito ay sa kabila ng naitalang pagkasawi ng limang baboy na kasama sa unang batch na naturukan nito.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Ayon sa DA, lumabas sa kanilang imbestigasyon na meron ng umiiral na respiratory illness na hindi na i-report bago bakunahan.

Kaugnay nito, binigyang-diin naman ng DA ang kahalagahan ng biosecurity at tamang pag-uulat kasunod sa naturang naging insidente sa ASF vaccine administration.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Sa huli, tiniyak naman ng ahensya na pagsisikapan umano makahanap ng mga karagdagang supplier para sa bakuna kontra ASF.