Mambabatas, nanawagang kumuha na ng booster shots vs omicron subvariants

Nanawagan si Barangay Health and Wellness Party-list Rep. Angelica Natasha Co sa Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) na kumuha na ng sapat na suplay ng bagong binuong Moderna booster shots laban sa omicron sub-variants.

Ayon kay Co, kailangan na umanong umorder ng booster shots ang bansa bago pa maubos ang suplay nito.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Binanggit ng mambabatas ang mga ulat na nagsasaad na isinumite na ng Moderna ang pinakabago nitong booster vaccine sa US Food and Drug Administration na maaari na umanong magamit.

Aniya, inaasahang ang mga ahensiya ay natuto na mula sa mga aral mula sa mga naunang pagsisikap ng bansa na makakuha ng bakuna para sa COVID-19.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Iminungkahi ni Co na sa halip na palawigin ang state of calamity, maaari umanong maglabas ng executive order sa state of public health emergency upang magkaroon ng patuloy na emergency use authorization para sa mga COVID-19 vaccines.

Samantala, naghahanda na rin ang administrasyong Biden-Harris na ilunsad ang bagong boosters sa mga susunod na araw sandaling magbigay ng go-signal ang FDA.
#