Wagi sa isinampang kaso laban sa Los Angeles County ang byuda ni NBA legend Kobe Bryant kaugnay sa mga lumabas na larawan ng mga labi nito sa crash site noong Enero 2020.
Kaugnay nito ay aabot sa 31 million dollars ang ipinataw na penalty ng korte sa LA county sheriff kung saan $16 million dito ang mapupunta kay Vanessa habang $15 million naman sa co-plaintiff nitong si Christopher Chester.
Base sa reklamo ni Vanessa, nagkaroon siya ng panic attack matapos niyang makita ang mga larawang kumalat na kinunan ng Los Angeles County Sheriff deputies at firefighters.

Ipinaliwanag ng biyuda na nakadagdag sa pasanin ng pamilya ng mga biktima ang kinunang letrato ng mga tauhan ng county na kumalat.
Una nang pumayag na magbayad ng $2.5million ang county noong Nobyembre ng nakaraang taon pero tumanggi si Vanessa na mag-settle.
Dahill dito, itinuloy ang pagdinig sa kaso kasabay ng lawsuit na isinampa ni Chris Chester na namatayan din ng asawa at anak sa nasabing helicopter crash.
Giit ni Mrs. Bryant na “devastated” at pakiramdam niya ay trinaydor siya sa mga nag-leak na larawan na posibleng lumabas sa social media anumang araw na makakadagdag sa kanilang pagluluksa at pangungulila. (LEO NAVARRO-MALICDEM | REUTERS PHOTO)