Kailangan ng bawat Pilipino na magkaroon ng disenteng pabahay – Go

Dahil sa patuloy na kahirapan, unemployment at limitadong access para sa murang pabahay muling inihain ni Senador Christopher Bong Go ang Rental Housing Subsidy Bill.

Binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng agarang pag-aksyon sa mga hamon na kinakaharap ng mga homeless na Pilipino sa buong bansa.

Naniniwala ang senador na malaking tulong ang naturang panukala para makapagbigay ng sapat, pangmatagalan at maayos na pabahay sa mga Pilipino lalo na ang mga naapektuhan ng mga sakuna at iba pang sitwasyon ng krisis.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Sa ilalim ng proposed bill, bubuo ng isang housing at social protection program na magbibigay sa mga biktima ng kalamidad ng mas mahusay at mas abot-kayang access sa pormal na pabahay sa pamamagitan ng mga subsidy sa pagpapaupa na ibinibigay ng gobyerno.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Pangunahing layunin ng panukala na tugunan din ang kalagayan ng mga lumikas na pamilya na dulot ng iba’t ibang krisis at kalamidad, natural man o gawa ng tao, gayundin ang mga pamilyang hindi kayang tustusan o makapagtayo ng sariling tahanan.
#