Mambabatas – kinontra ang ‘revisionist’ na ‘EDSA-pwera’ video campaign para sa Cha-cha

Iginiit ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman na ‘nothing substantial’ o walang magandang makukuha sa inilabas na television commercial hinggil sa Saligang Batas.

Ayon sa independent minority lawmaker – ‘crudely crafted’ ang naturang patalastas.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila sa mambabatas – sinabi nitong ipinakikita raw kasi ng patalastas na tila ang 1987 Constitution ang may kasalanan sa mga hindi magandang nangyayari sa bansa.

Sa huli, mariing sinabi ng opisyal na ang paglalabas ng TV commercial ay isang demonization daw ng mga Marcos.

Samantala, nanindigan naman si Atty. Alex Avisado na layunin ng nasabing advertisement na ibukas sa publiko ang usaping peoples initiative sa pag-amyenda sa constitution.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *