Mall voting posible na sa Camarines Norte sa May 2025 national and local elections ayon sa Comelec

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na posible na rin ang mall voting sa Camarines Norte sa May 2025 national and local elections.

Ito ang sinabi ni Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves sa naging panayam ng Brigada News FM Daet kahapon kasabay ng paglulunsad ng Register Anywhere Project na kauna- unahan sa lalawigan.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ayon kay Nieves pinag- uusapan na nila ang bagay na ito at nagpahayag na rin umano ng kahandaan ang pamunuan ng SM City Daet.

Aniya, sakaling matuloy ito ay magkakaroon na ng mall voting para sa mga taga Barangay Lag-on at Gahonon.

Ani Nieves,  mas convenient umano ang pagboto sa mall dahil maayos ang pasilidad at mas secure.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Dati na ring sinabi Comelec Chairman George Erwin Garcia na pinag-aaralan na ng ahensiya ang pagpapalawig ng mall voting sa 2025.

Aniya, malaking tulong ang mall voting upang hindi na makaabala sa mga eskwelahan kung saan dito karaniwang ginagawa ang botohan.