17 Chinese na naaresto sa niraid na POGO sa Tagaytay City, sinampahan na ng kaso

Sumalang na sa inquest proceedings sa Department of Justice ang 17 Chinese Nationals na naaresto ng NBI Cybercrime Division sa isang resort sa Barangay Francisco, Tagyatay City noong October 15, na umano’y may operasyon ng ilegal na POGO.

Reklamong Anti-Trafficking in Person Act at Computer-Related Forgery o pamemeke ng mga dokumento gamit ang computer ang isinampa laban sa mga Chinese.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Nag-ugat ang operasyon ng NBI sa Tagaytay matapos magsumbong ang isang Chinese na tinotorture, ilegal na ikinulong, at pwersahang pinagtatrabaho ang kaibigan din nitong Chinese.

Ayon sa NBI, natuklasan din nito sa operasyon ng scam hub na malinaw na sangkot ang mga naaresto sa panloloko dahil sa rami ng desktop computer, cellphone, sim card at mga script sa lugar.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Una nang sinabi ng kapitan ng barangay ng San Francisco, na wala silang alam na may operasyon ng POGO sa naturang resort at ikinagulat na may nangyaring torture.