Malaysian airforce, tumutulong na rin sa rescue efforts sa missing air ambulance sa Palawan

Tumutulong na rin ang gobyerno ng Malaysia sa paghahanap sa nawawalang air ambulance sa karagatan ng Balabac, Palawan.

Ayon sa Philippine Adventist Medical Aviation Services, ngayong araw, March 7 ay umaasa sila na magiging maganda ang panahon upang matuloy ang underwater search.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Nitong Lunes ay nagsagawa na ng underwater mapping at analytics ang Antipara Exploration Inc. sa “posibleng crash site” ng “Yellow Bee” Chopper.

Nagpasalamat naman ang PAMAS sa Malaysian airforce para sa limang vessel, tatlong aircraft at isang C130 plane na tumutulong na rin sa rescue efforts.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ngayong araw, March 7 ay mag-iisang Linggo nang hinahanap ang limang sakay ng helicopter ng PAMAS at hindi sila nawawalan ng pag-asa habang patuloy na nananawagan ng panalangin mula sa publiko.