Nakikita ni dating Interior Undersecretary Jonathan Malaya on Monday, na malabo ang pagkakaroon ng constitutional convention (con-con) para sa pag-amyenda sa 1987 Constitutions sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Malaya, bagama’t tinatalakay na ang 1987 Constitution sa isang forum na inorganisa ng University of the Philippines Alpha Phi Beta, ay wala umano siyang naririnig kay Marcos tungkol sa Charter change.
Sinabi naman ng dating opisyal na ang magandang option para sa bansa ay isang “incremental approach to Constitution building” o piecemeal amendments sa pamamagitan ng constituent assembly.

Una namang sinabi ni retired chief justice Reynato Puno, na pabor siya sa “hybrid” con-con kung saan ang mga miyembro ay parehong elected at appointed delegates.
Matatatandaan na noong May 2022, hinimok ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na administrasyon na agad simulan ang proseso sa pag-amyenda sa Konstitusyon, at inirekomendang buwagin ang party-list system. //MHEL PACIA