4.4M Filipinos na makakabenepisyo mula sa 4Ps sa 2023

Papalo sa 4.4 million na mahihirap na mga Pilipino ang inaasahang makakabenepisyo mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa 2023.

Ayon kay Senator Imee Marcos, sponsor sa P194.6 billion na budget para sa Department of Social Welfare and Development para sa 2023, na hindi mapagbibigyan ang mga benepisyaryo na lampas sa annual target dahil sa budgetary constraints ng conditional cash program.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Dagdag ni Marcos, ngayong 2022, nasa 4.4 million beneficiaries din ang target households kung saan magpapatuloy ito hanggang sa susunod na taon.

Matatandaan na sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na nasa 600,000 na non-compliant 4Ps beneficiaries ay maaring mawalan ng financial aid.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Pero sa ginawang pagreview sa mga kaso, lumalabas umano na hindi sila mga pekeng benepisyaryo, kaya ibalik sa database ng “Listahan 3”.

Samantala, sinabi ng senadora na nasa 443,000 households ang bagong naka-enrol sa naturang programa, na nagresulta sa 1.3 million households na kasalukuyang nakakabenepisyo ng 4Ps. //MHEL PACIA