Lalaki, napatay sa saksak ng ama ng nakaalitan

Patay ang isang lalaki matapos itong pagsasaksakin sa Barangay Lutucan 1, Sariaya, Quezon nitong Lunes, Agosto 5.

Ayon sa pahayag ng anak ng biktima, nakikipag-inuman umano noon ang kanyang tatay sa mag-amang suspek nang magkaroon ng alitan sa pagitan ng biktima at ng anak.

Read More:  14-year-old student found with .357 Magnum inside Cebu school

Doon na rin makailang beses na pinagsasaksak ng tatay ang biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Sa ngayon, nagsasagawa ng follow up operation ang mga awtoridad upang madakip ang tumakas na mga suspek.