Malawakang Power Interruption sa Catanduanes, mararanasan

BNFM BICOL – Mararanasan ang isang malawakang Power Interruption sa lalawigan ng Catanduanes sa darating na Linggo, Hunyo 30, 2024 simula alas-5 hanggang alas-10 ng umaga.

Mararanasan ito sa mga bayan ng San Andres, Bato, San Miguel, Baras, Caramoran, ilang bahagi ng Virac, Viga, Pandan at Panganiban.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon sa First Catanduanes Electric Cooperative Inc. (FICELCO ang nasabing malawakang power interruption ay bunsod ng isasagawang line maintenance at system improvement kagaya ng pag-install ng feeder metering at pagpapalit ng disconnect switches sa mga nabanggit na bayan.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Maaaring maibalik ang supply ng kuryente pagkatapos ng isasagawang maintenance. ### Rumer Grant, Intern