Malawakang brownout sa iba’t-ibang probinsiya posibleng maging banta sa national security – Tulfo

Ikinabahala ni Senator Raffy Tulfo ang laganap na mga brownout sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Ayon sa senador posibleng magdulot ng malaking bansa sa national security kung hindi matutugunan ang paulit-ulit na problema sa brownout.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Paliwanag ng senador maaaring gawin itong pagkakataon ng mga terorista, rebelde at iba pang masasamang elemento para makapaghasik ng kanilang criminal activities.

Dagdag pa ng committee on energy chairman, kailangan matuldukan na ang ganitong problema na winalang bahala ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno bago pa ito tuluyang lumala.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Una nang inihain ni Tulfo ang Senate Resolution (PSR) No. 107 na naglalayong imbestigahan ang rotational blackouts at pagtaas ng singil sa kuryente sa bansa.
Nakatakda naman magsisimula ang imbestigasyon nito sa Senado ngayong buwan.