Bayan ng Candelaria magbibigay ng libreng bigas sa mga residente sa susunod na buwan

Magbibigay ng libreng bigas ang Lokal na Pamahalaan ng Candelaria, Zambales sa mamamayan nito.

Imbis na magbenta ang LGU sa ilalim ng Rice Subsidy Program ay pinili umano ng pamunuan na i-libre na lamang ito.

Read More:  Shrimp swarm surprises residents along Sipalay beachfront in Negros Occidental

Ayon kay Mayor Byron Jones Edquilang, sa buwan ng Setyembre ay magbibigay na ng libreng bigas sa mga pamilya ang Lokal na Pamahalaan.

Ang bigas ay bibilhin ng LGU mula sa mga rehistradong magsasaka sa bayan para makatulong rin sa mga ito.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Matatandaan sa ibang bayan sa ikalawang distrito ng Zambales, ang ilang Lokal na Pamahalaan ay nagbebenta ng bigas sa mamamayan sa mas mababang presyo para makatulong lalo na sa mga mahihirap.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO