USAP-USAPAN ngayon sa bansang Thailand ang isang “job advertisement” kung saan naghahanap ang isang misis ng babae na kanyang su-swelduhan para maging “kabit” o kalaguyo ng kanyang mister.
Batay sa ulat, nagpapahanap ng “mistress” ang ginang na si Pattheema Chamnan dahil ayon sakanya ay hindi niya na naibibigay ang pangangailangan ng kanyang asawa.
Naging kontrobersiyal ang nasabing job advertisement ni Chamnan dahil kabilang sa mga kwalipikasyon na kanyang hinahanap ay dapat na walang asawa o pamilya ang “aspiring kabit” at higit sa lahat ay nagtataglay umano ng “good communication skills.”
Kapalit ng magiging serbisyo nito ang sweldo na nagkakahalagahang 16,000 Baht o katumbas ng mahigit P25,000.
Umani naman ng samu’t-saring komento at batikos ang ulat kung saan ayon sa publiko, tila ginagawa umanong normal ng ginang ang “adultery” o pakikiapid.
Paliwanag naman ni Chamnan, siya ay kasalukuyang dumaranas ng depresyon kung kaya’t naghahanap lamang siya ng babaeng gagawa ng kanyang tungkulin at responsibilidad sakanyang mister.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol