Malaking bilang Chinese maritime militia vessels, namataan pa rin sa Escoda o Sabina shoal

Halos palibutan pa rin ng Chinese maritime militia vessels ang Escoda o Sabina shoal.

Sa monitoring ng Philippine Navy mula September 3 hanggang September 9, mayroong 55 CMMV ang naka pwesto sa Escoda mula sa 53 mga barko noong August 27 hanggang September 2.

Maalalang kamakailan lamang, ilang beses na banggain ng chinese vessel ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nananatiling high morale ang mga tauhan nito matapos ang insidente.

Nananatili rin “seaworthy” ang barko. Anuman aniyang pinsalang tinamo nito ay hindi makakaapekto sa water integrity ng barko at misyon nito.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Nakabantay ang Teresa Magbanua sa Escoda dahil inaalam ng mga awtoridad kung man-made ang ulat ng pagdami ng durog na corals sa lugar.

Nagdagdag na rin ng patrolya ang AFP, Navy, Coast Guard, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.