Kanino mapupunta ang P10M reward para kay Quiboloy?

Makakatanggap ng reward money ang mga impormanteng nagbigay ng tip sa Philippine National Police na naging daan para matunton si Apollo Quiboloy at 4 na kapwa akusado nito.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col Jean Fajardo, napag-usapan na ito nila PNP Chief Rommel Francisco Marbil, DILG Sec. Benhur Abalos at PRO11 Regional Director, PBGen. Nicolas Torre III.

Read More:  DSWD provides financial aid to students injured in Tacloban school shooting

Pero hindi aniya maaaring isapubliko kung sino o sino sino ang mga impormanteng ito para na rin sa kanilang seguridad.

Una nang ibinunyag ng PNP nagkaroon ng breakthrough sa kanilang paghahanap kay Quiboloy matapos makatanggap ng tip na nandoon lang sa isang partikular na gusali si Quiboloy at nagpapalipat lipat lamang ng pwesto.

Read More:  VP Sara calls for better intelligence after Tacloban school shooting

Si Quiboloy ay may sampung milyong pisong patong sa ulo habang tig iisang milyong piso naman ang reward money sa tipster ng 4 na kapwa akusado nito.