Malakihang dagdag-bawas sa oil prices, kasado na bukas

Kasado na bukas ang ipatutupad na dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa abiso ng oil companies, may dagdag na P3.95 sa kada litro ng Gasolina.

Mayroon namang tapyas na P2.45 sa kada litro ng Kerosene; habang P2.30 sa kada litro naman ang ibabawas sa kada litro ng Diesel.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Alas-dose bukas ng madaling araw ipatutupad ang oil price adjustment sa Caltex Philippines; habang alas-sais naman sa Shell, PetroGazz at SeaOil; at alas-otso ng umaga ang adjustment sa CleanFuel.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Bunsod pa rin ito ng paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Wala pang abiso ang ibang oil companies sa kanilang price adjustment.
#