Nakatanggap ng P2 milyon mula sa Malacañang ang apat na atletang sumabak sa 2024 Paris Olympics.
Ito ay sina Dottie Ardina na sumabak sa golf competition, at ang tatlong gymnast na sina Aleah Cruz Finnegan, Emma Malabuyo, at Levi Ruivivar.

Samantala, hindi naman nakadalo si Bianca Pagdangan na sumabak din sa golf competition dahil nagsimula na itong mag-training.
Ang P1 million ay mula sa Office of the President habang ang P1 million ay galing sa Philippine Amusement and Gaming Corporation.