Isang kakila kilabot na pangyayari ang naranasan ng ilang mga hikers na umakyat sa Mt. Dukono Indonesia.
Paano kasi habang nasa bunganga sila ng bulkan ay bigla itong magpakawala ng ulap ng abo at gas.

Mabilis na lumapit ang mga abo kaya nag-uunahan silang makababa para makaligtas sa panganib.
Ayon sa mga otoridad, hindi pinansin ng grupo ang ban na ipinapatupad sa lugar at pilit pa ring inakyat ang bulkan kahit may mga babala na.
Ang Mt. Dukono ay isang aktibong bulkan mula pa noong 1933 at taon-taon ay tumataas ang aktibidad nito.
Dahil sa insidente naglabas ng mahigpit na babala ang National Disaster Management Agency ng Indonesia sa pag-akyat sa naturang bulkan.
Sa huli mapalad na nakaligtas ang mga hikers sa insidente.