Makati Mayor Binay itinalagang miyembro ng UN advisory group

Itinalaga ng United Nations Secretary-General si Makati City Mayor Abby Binay bilang miyembro ng Advisory Group on Local and Regional Governments.

Tanging si Binay lamang ang alkalde ng Pilipinas na nasa prestihiyosong pagpupulong at hinirang na miyembro ng grupo na malugod niyang tinanggap.

Sa isang liham sa Alkalde, sinabi ni UN Secretary General Antonio Guterres na tiwala siya na ang kanyang background sa pamamahala ay makakatulong sa grupo na makamit ang mga layunin nito.

Ang UN advisory group ay isang kalipunan ng mga pinuno ng rehiyon at lokal sa buong mundo, na magtutulungan upang makamit ang 2030 Sustainable Development Goals (SDGs).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *