Makati City Hall nanindigan sa pagpapasara sa Berjaya Hotel

Nanindigan ang Makati City Hall sa kanilang desisyon sa pagpapasara sa kontrobersiyal na Berjaya Hotel ilang araw linggo matapos ang ‘Poblacion girl’ incident.

Ayon kay Atty. Don Camiña, legal officer at tagapagsalita ng Makati City Hall sumusunod lamang sa panuntunan ng Inter-agency Task Force.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Paliwanag ni Camiña dahil tinanggalan na nang accreditation ng Department of Tourism ang Berjaya Hotel kailangan din nila itong tanggalan ng business permit.

Bagama’t may apela umano ang pamunuan ng hotel, for immediate execution naman ang kautusan ng DOT.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Nilinaw naman ni Camiña na binigyan nila hangang ngayong araw ang Berjaya para maka-check out ang mga guest nito at pagkatapos ay tuluyan na itong ipa-ipadlock maliban nalang kung makakahua ng tempory restraining order.