60 na board of examination, target na maisagawa ngayon taon 2022- PRC Bicol

LEGAZPI CITY – Ninanais ng Proffessional Regulation Commission (PRC) Bicol na makagawa ng Board of Examinations mas marami ngayon taon 2022.

Ito ang inihayag ni Atty Dominic Cerbito, Atty 3 Legal Officer ng nasabing tanggapan sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Cerbito, target ng ahensya na makagawa ng 60 board examinations ng kasalukuyang taon.

Aniya, ito na kasi ang naibigay na scheduling sa commission na inaprobahan umano na nasabing bilang na magawa para sa taon 2022.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nilinaw din nito na tentative pa rin itong schedule dahil sa hindi umano maiwasan na may mga pagbabago o magdedepende pa rin ito sa mga schedule kasi may madedelayed ang examination.

Dagdag pa nito, may pagbabago rin sa issuance o guidelines sa examination tulad ng vaccination card at quarantine certificate.

Binigyan din nito na magiging mahigpit ang tanggapan sa examination kung saan kung walang maipapakitang requirements ay hindi papayagan ang mga examinees na pumasok sa paaralan na makapag exams.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kapag mayroon naman na simtomas ang isang examinees ay ilalagay ito sa isolation room kung saan tatawagin ang physician at magdedepende rin kung makakapag exam pa o hindi na rin.

Sinabi ng opisyal, sa buwan ng Enero ay mayroon ng schedule ang ahensya para board of examinations tulad ng Medtech, xray tech at LET.