Makamandag na dikya niluto at kinain ng isang vlogger

Ang jellyfish o dikya ay isa sa mga pinakamakamandag na marine organisms sa buong mundo ngunit, ano na lamang ang mangyari sa iyo kung ito’y kainin mo?

Isa kasing vlogger kamakailan lang na nagngangalang “Homosapi” ang nagviral sa kaniyang bidyo dahil sa pagluto at pagkain nito ng isang man-o-war na isang uri ng dikya.

Nakatanggap ito ng samo’t saring komento at pambabatikos mula sa mga netizens dahil umano sa pagiging iresponsable nito.

Ayon naman sa vlogger, gusto niya lamang umano tikman ito dahil nabalitaan niya na masarap umano itong pakuluan kaya naman, kasama ang kaniyang mga kaibigan ay niluto nila ito.

Nagmistulang mga gulaman ang mga dikya at binudburan din nila ng ilang mga rekados na maihahalintulad nga umano ito ni Homosapi sa lasa ng scallops.

Nakatala ng mahigit 3.5 milyong views ang kaniyang bidyo sa Youtube kung saan nakita rin ito ng ilan sa mga marine life experts at nagbabala sa publiko na delikado at huwag umano gayahin ang vlogger.

Sa kasalukuyan  wala rin naman umano naging epekto sa magkakaibigan ang pagkain nila ng nasabing mga jellyfish. |𝗪𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗟𝗜𝗦𝗔𝗬