Nangako ang Makabayan bloc na patuloy nilang kokontrahin ang isinusulong na Maharlika Investment Fund ng mga kaalyado ng administrasyong Marcos.
Kahapon, nakalusot sa third reading ng Kamara ang House Bill 6608 matapos makakuha ng 279 yeses at anim na pagtutol.
Kabilang sa mga bumoto ng ‘no’ sa panukala ay ang mga Makabayan bloc members na sina Deputy Minority Leader ACT-Teachers party-list Rep. France Castro; Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas; at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel.
Bumoto rin ng ‘no’ sina independent minority lawmaker Albar 1st District Rep. Edcel Lagman, Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado; at Basilan Rep. Mujiv Hataman.
Sa panayam, sinabi ni Castro na hindi pa rin matitiyak ang independence sa pama-manage ng pondo.
Aniya, bagamat tinanggal na bilang board chairman ang Pangulo ng Pilipinas – hindi pa rin maiiwasang magkaroon ng impluwensya ang Punong Ehekutibo lalo na’t presidential appointees pa rin ang mga miyembro ng board.
Umaasa naman si Castro na sa deliberation ng MIF bill sa Senado – hindi ito matutulad sa Kamara na niratsada.
Matatandaaang sa loob lamang ng 17 araw, na-file ang panukala ni House Speaker Martin Romualdez; at nakalusot na sa 3rd reading kahapon.
#
