Spencer Reyes, nasurpresa nang makita ang dating ka-loveteam na si Ice Seguerra sa isang pasyalan

Nasurpresa si Spencer Reyes nang makita niya sa isang pasyalan ang dating ka-lovetam na si Ice seguerra sa pag uwi nito sa Pilipinas.

Habang namamasyal si Sphencer kasama ang kaniyang pamilya ay kinantahan ito ng choir at ang hindi niya alam ay ang nasa likod nito ay si Ice.

Read More:  Vhong Navarro to pursue legal remedies over possible release of Deniece Cornejo, Cedric Lee

Nang lumabas si Ice, mahigpit na nagyakap ang dalawa. At sa pagkakataong ito, si Spencer naman ang naluha.

Una nang sinorpresa ni Spencer ang kaniyang mga magulang sa pag-uwi niya sa bansa.

Read More:  Kylie Verzosa says she had given up on love before meeting fiancé Emil Eriksen

Naninirahan na ngayon sa UK si Spencer kasama ang sarili niyang pamilya.

Nagtatrabaho siya roon bilang bus driver, malayong-malayo sa pagiging artista niya sa Pilipinas.//CA