Makabayan bloc, binatikos ang tila’y pangre-railroad ng ROTC Bill sa Kamara

Patuloy ang panghihikayat ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc na tutulan ang isinusulong na mandatory na Reserved Officers’ Traning Corps o ROTC training.

Ito ay makaraang makalusot kahapon ang panukala sa agenda bills ng House Committee on Higher and Technical Education, at ng Committee on Basic Education and Culture.

Mababatid na sa ilalim ng consolidated bill na House Bill 6486, isiningit ang ROTC program sa iba pang mga panukalang may kinalaman sa education sector.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa isang pahayag, hinikayat ni Kabataan party-list Rep. Raoul manuel ang kabataan na i-reject ang ROTC program.

Aniya, bagamat hindi direktang nakalagay sa probisyon ng panukala ang mandatory military training – minamandato pa rin daw nito ang pagmo-mobilize sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines, at ang National Citizens Service Training o NCST sa ilalim ng pamamahala ng mga kadete ng ROTC.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Binatikos naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang tila’y pagre-railroad o pagmamadali sa panukalang ito.

Idiniin ni Brosas na ang naturang proposal ay maghihikayat lamang ng ‘culture of violence and corruption’ sa mga paaralan at magpapatuloy aniya ang kanilang panawagan para sa ‘safe school opening’ at mas maayos na access ng mga learners sa dekalidad na edukasyon.
#