Tiniyak ng Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD na hindi na mahihirapan ang mga beneficiaries ng mga government housing papasok ng kanilang mga trabaho.
Ito ay makaraang ipangako ni Pangulong Bongbong Marcos na ang mga ipatatayong pabahay ng pamahalaan ay malapit na sa mga lugar ng paggawa, mga eskwelahan, at mga pamilihan.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DHSUD Undersecretary Avelino Tolentino na ipatatayo na ang mga tahanan sa tinatawag na ‘on-site in-city’ areas.
Ibig-sabihin, hindi na mahihirapan ang mga benificaries sa mga acces sa mga public services.
Mas mapadadali na rin aniya ang pagpasok nila sa trabaho dahil magkakaroon na ito ng access sa mga pampublikong transportasyon.
#
