DSWD at DepEd, tiniyak na pag-iigihan pa ang trabaho

Wi-nelcome ng Depemartment of Social Weldare and Development (DSWD) at Department of Education (DepEd) ang pakakabilang nila sa mga top-performers na mga ahensya.

Matatandaang sa ilalim ng ‘Tugon ng Masa’ survey ng OCTA Research – ikatlo ang DSWD sa mga agencies na may mataas na satisfaction rating matapos makuha ang 76% mula sa mga respondents; habang pinakamataas naman ang DepEd na mayroong 87%.

Ayon sa DSWD, nagpapasalamat sila sa publiko para sa patuloy na pagtitiwala sa kanila.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Kinilala rin ng Kagawaran ang kanilang mga kawani na umano’y patuloy na nagsusumikap para maihatid ang serbisyo-publiko lalo na sa mga nangangailangan.

Dahil dito, nangako ang tanggapan na mas pagbubutihin pa nila ang kanilang trabaho nang sa gayon ay maihatid ang dekalidad ng social services lalo na sa mga indigent Filipinos.

Sa pahayag naman ng DepEd, sinabi nilang nakatuloy ang pagbubukas ng face-to-face classes para masigurong maa-address ang learning losses na dulot ng COVID-19 pandemic.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Ang resulta umano ng survey ay magsisilbi nilang determinasyon para labanan ang iba pang mga pagsubok na kinahaharap ng education sector.

Matatandaang maliban sa DSWD at DepEd, nakakuha rin ng mataas na satisfaction rating ang Department of Health (DOH) na may 79% rating.
#

READ MORE: