Majority Leader Villanueva, umapelang punan ang mga ‘unfilled positions’ sa gobyerno

Kinalampag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang administrasyon para maresolba na ang matagal na problema ng gobyerno kung saan ay marami pa ring mga posisyon ang hindi napupunan hanggang sa ngayon.

Ayon kay Villanueva, ang Gobyerno na siyang tinuturing bilang ‘biggest employer’ sa bansa ay nahaharap pa rin sa problema ng pagpuna sa mga permanenteng posisyon.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ito ay kahit na patuloy pa rin ang naitatalang mataas na unemployment rate sa bansa.

Aniya, aabot sa mahigit 170,000 na mga authorized positions sa Gobyerno ang hanggang sa ngayon ay hindi pa rin napupunan.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Tila sirang plaka na raw sila sa patuloy na pagpapa-alala sa Pamahalaan ngunit kakarampot pa lang din ang progreso rito mula pa noong 2017.

Bagamat mayroong mahigit 642,000 na mga Job Order o JO at Contract of Service o COS na mga government workers nitong Hunyo – dapat umanong maipaliwanag ng administrasyon ang mga unfilled government positions.
#