Maj. De Castro, sinibak na sa serbisyo kaugnay sa pagkawala ni Camilon

Sinibak na sa serbisyo si Police Major Allan De Castro, ang pulis na pangunahing suspek sa pagkawala ng beauty pageant contestant mula Tuy, Batangas na si Catherine Camilon.

Matapos ang masusing pag-iimbestiga, kahapon pinirmahan na  ni PNP Reion-4A Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas ang dismissal order from the police service ni De Castro.

Dagdag ng PRO-CALABARZON, sapat ang kanilang ebidensiya para tanggalin na sa pwesto si De Castro, ito ay kahit pa itinanggi niya ang mga alegasyon sa kanya.

Pero para sa legal counsel ni De Castro, hindi siya naniniwalang may sapat na ebidensiya ang mga awtoridad para basta na lamang sibakin si De Castro.

Kaya naman plano ni Atty. Ferdinand Benitez na i-apela sa PNP ang pagsibak sa pwesto sa pulis na suspek.

Kaugnay nito, dahil tanggal na sa pwesto si De Castro, hindi na siya makakuha ng sweldo bilang pulis at inalis na rin sa restricted custody ng PNP-CALABARZON sa Laguna.

Nabatid na si De Castro ay dating hepe ng Bauan Municipal Police Station, bago ito napunta sa CALABARZON-PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *