Sa kabila ng kaliwa’t kanan na schedule – naglaan talaga ng oras sina Maine Mendoza at Maja Salvador para ipagdiriwang ang 36th birthday ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.

Nitong November 23 pa ang birthday ni MJ pero kahapon lamang niya ipinakita sa social media ang pictures kasama ang dalawa niyang BFF.
Caption ng dating beauty queen sa kanyang post, ‘always grateful.’
Kitang-kita sa litrato ang happiness ng tatlo sa ginawa nilang bonding.
Nabuo ang kanilang friendship sa isang noon time show at wish ng mga fans ay sana’y muling magsama ang magkakaibigan sa isang show.