Maikling oras ng klase, inirekomenda ng city health

Inirekomenda ng City Health office ang mas maiksing face-to-face class ng mga estudyante upang makaiwas sa panganib ng matinding tag-init.

Sa rekomendasyon hinihiling na i-adjust ang klase mula alas-siyete hanggang alas-diyes ng umaga at alas-tres hanggang alas-singko ng hapon.

Hinihiling din ng City Health na bigyan ng kapangyarihan ang bawat paaralan sa lungsod na magsuspendi ng klase kung kinakailangan.

Pinasisiguro rin ng ahensya na mayroong maayos na bentilasyon ang mga silid-aralan upang maiwasan ang mataas na temperatura.

Samantala, umaasa ang City na na maaprubahan ni Mayor Lucilo Bayron ang kanilang mga inirekomenda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *