Senador, pinaghahanda ang DPWH, MMDA sa La Niña Season

Pinakikilos na ngayon pa lang ni Senate Committee on Public Works, Chairperson, Senador Bong Revilla Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa paparating na La Niña Season.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ang La Niña ay tumutukoy sa paglamig ng temperatura mula sa karaniwan na nagdadala ng mas mabigat at madadalas na pag-uulan.

Alinsunod sa posibleng maging epekto nito sa bansa, pinapatiyak na ng senador sa mga nasabing ahensya ang kalinisan ng mga drainages at tributaries.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ayon sa senador, dapat masiguro ng MMDA at DPWH na klaro ang magiging daluyan ng mga tubig at 100% operational ang mga pumping station bago dumating ang La Niña.