Maigting na security operations sa Dawlah Islamiyah – Maute Group, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang maigting na security operations ng militar sa nalalabing miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute group matapos ang engkwentro sa Lanao del Norte.

Ayon kay Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. William Gonzales, bantay sarado ng militar ang mga lugar na posibleng takbuhan ng teoristang grupo.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sinabi rin niyang posibleng tumaas pa ang bilang ng DI na nasawi sa engkwentro. Maliban kasi sa dalawang DI na nasawi marami pa umano silang miyembro ang sugatan.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang WESTMINCOM sa mga pamilya ng anim na nasawing sundalo na nagbuwis ng buhay.

Nagpaabot din ng panalangin sa mga sugatang sundalo na kaslaukuyang nagpapagaling sa ospital.