Inilunsad ng Ukraine ang mahigpit na opensiba kontra sa Russian Forces.
Ang opensiba ay magsisilbing turning point sa digmaan na nagsimula noong Pebrero ng nakaraang taon.

Ayon sa British Defense Ministry intelligence, narating na ng Ukrainian troops ang Bakhmut at Zaporizhzhia kung saan inilunsad nila ang long-range strikes laban sa Russian targets.
Samantala, sinabi naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky , hangad ng kanilang aksyon na mabawi ang kanilang teritoryong sinakop ng Russia sa pamamagitan ng natatanggap na military assistance mula sa Estados Unidos at iba pang kaalyadong bansa.//CA