EJ Obiena, muling umukit ng kasaysayan

Wagi si EJ Obiena sa Bergen Champ Challenge na ginanap sa Norway.

Nagawa ng World No. 3 vaulter na iangat sa 6.00m ang kanyang personal best at Asian record na 5.94m, na nakuha niya sa World Athletics Championships noong nakaraang taon sa Eugene, Oregon kung saan bronze ang inuwi niya.

Nakalaban ni Obiena ang US pole vaulter na si KC Lightfoot, na natalon din ang six meters ngunit kinailangan ng dalawang attempt.

Noong nakaraang Miyerkules, sinimulan ni EJ ang kanyang outdoor season sa pagwawagi ng tansong medalya.//CA