4 na batang nawala sa Colombian Amazon, natagpuang buhay

Nasa “acceptable” state of health na ang apat na bata sa Colombia matapos ang 40 araw na pag-iikot sa Colombian Amazon nang makaligtas sa plane crash.

Kabilang sa mga nakaligtas ang mga batang nag-eedad ng 13, siyam, apat at isang taong gulang.

Patay ang kanilang ina at dalawang piloto nang bumagsak ang sinasakyang Cessna plane noong May 1.

Natagpuan ang magkapatid noong Biyernes sa lalawigan ng Caqueta pagkatapos ng ilang linggong paghahanap ng militar, indigenous communities at iba pa.

Ayon kay Colombian President Gustavo Petro, isang magical day nang matagpuang buhay ang mga bata.

Patuloy na inoobserbahan sa ospital sa Bogota ang mga bata na nagtamo ng mga insect bites at minor injuries.//CA