Mahigit sa kalahati ng mga kulungan sa bansa, punuan na

Humigit-kumulang two-thirds ng mga kulungan sa bansa ang punuan na.

Ayon sa 2022 report ng Commission on Audit, ang jail congestion sa buong bansa ay nasa 67.57% noong nakaraang taon, o 323 sa 478 na bilangguan ang nakararanas ng high occupancy rates.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Sa audit nito sa Bureau of Jail Management and Penology , sinabi ng COA na umabot ng 101 percent hanggang sa 2,739 percent ang occupancy rates sa mga bilangguan.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Kabilang sa mga rehiyon na may matataas na congestion rates ay ang Calabarzon, Mimaropa at Metro Manila.

Siniguro naman ng BJMP sa COA na sinisikap nilang mabuti ang mga pamamaraan upang mapaluwag ang mga kulungan sa bansa.//Katrina Jonson