DOE naglabas ng alituntunin sa offshore wind projects

Naglabas ng mga alintuntunin ang Department of Energy kaugnay sa offshore wind projects upang mapabilis ang pag-unlad ng sektor na ito.

Ito ay makaraang lagdaan ni DOE Secretary Raphael Lotilla Department Circular No. 2023-06-0200
na nagtatakda ng mga panuntunan at pamamaraan sa permitting agencies na may kaugnayan sa pagbibigay ng permit at lisensya para sa naturang proyekto.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Nakasaad sa Department Circular na kailangang pabilisin ng permitting agencies ang pagbibigay ng permit, proseso at mga requirements, maging ang mga babayaran sa pagbuo ng offshore wind projects.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Mula nang ilunsad ng DOE ang Philippines Offshore Wind Roadmap noong 2022, ang ahensya ay nakapagbigay na ng kabuuang 66 na kontrata sa aggregate potential capacity na 53.85 gigawatts.

Ang Pilipinas ay may potensyal na offshore wind resources na humigit-kumulang 178 GW.//Katrina Jonson