Mahigit sa 400 mga benepisyaryo ng SPES, makakatanggap na ng sahod mula sa pamahalaang panlalawigan ng Albay

LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy ngayon sa pagbabayad sa mga benipesyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) na magsasahod ngayong araw sa Capitol Atrium.

Ayon kay Provincial Employment Service Officer (PESO) Lily Nicoleta, makakatanggap ng sahod ang 497 na mga mag-aaral na nagkakahalaga mula sa P10,940 para sa 20-araw na gawaing paghahalaman sa bahay noong summer vacation ng buwan ng Hulyo.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Aniya, sa halip na i-deploy sa mga opisina sa Pamahalaang Panlalawigan, ang mga benepisyaryo ay kinakailangan lamang na mag-home gardening sa ilalim ng mahigpit na monitoring dahil sa pandemya.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Inako ng Department of Labor and Employment (DOLE), bilang katuwang nito sa programa, ang sahod ng 100 benepisyaryo.