Mahigit sa 3K na mga corn farmers sa Bicol inaasahang mabibigyan ng Fuel subsidy – DEPARTMENT OF AGRICULTURE

LEGAZPI CITY – Aabot sa 50 pa lamang na corn Farmers sa Bicol Region ang nabibigyan ng fuel subsidy ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Emily Bordado, ang Regional Spokesperson ng nasabing tanggapan, mahigit sa 3K na Corn Farmers sa Bicol ang inaasahang mabibigyan ng fuel subsidy sa kabika ng patuloy ang pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Aniya, coupon ang ibibigay sa mga benepisyaryo na may laman na P3K na gasolina Accredited na gasoline station ang maaari nilang ipagasolina na ibibigay sa kanila na coupon.

May mga requirements para mabigyan ng subsidy fuel ng nasabing ahensya tulad ng dapat ay mayroong sertipikasyon mula sa municipal officer na sila ang may ari ng makina at iba pa.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Sa Bicol, dalawang bayan pa lamang ang nabibigyan ng fuel subsidy na corn farmers kabilang rito ang bayan ng Baao at Sangay Camarines Sur.

Sinabi ng opisyal, tanging yan pa lang nabibigyan ng fuel subsidy dahil karamihan sa mga ito hindi pa nakakasubmit ang mga ito ng requirements ang mga corn farmers.