Malalaking infra projects sa Davao region, inaasahang magpapabilis sa kaunlaran ng lugar

Ibinida ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga naka linyang proyektong pang imprastraktura sa Davao region.

Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng Presidential Financial Assistance sa Tagum City, binanggit ng Pangulo na kabilang sa malapit nang matapos na infra projects ay ang Mawab Maragusan-CARAGA road, Carmen Tagum city coastal road, Tagum City bypass road at ang Mindanao Railway project phase 1.

Ayon kay Pangulong Marcos, sa oras na matapos ang mga naturang proyekto, hindi lang ginhawa sa byahe ang mararanasan ng mga taga Davao region kundi pati na rin ang mabilis na pagpasok ng kaunlaran sa kanilang lugar.

Liban pa rito ang itatayong 7-storey na Davao regional medical center sa Apokon Tagum City, na layong makapag hatid ng de kalidad at maaasahang serbisyong medikal.

Gayundin ang mga ginagawang farm to market road, na magpapa bilis sa transportasyon ng mga produkto mula sa mga sakahan patungong merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *