Mahigit P1M cash aid, natanggap ng 18 FRs

Nakatanggap ang 18 former rebels (FRs) ng halos P1.3M na cash aid sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaan.

Sa pahayag ng CMO officer ng 903ID na si 1Lt Richelle Arambuyong, sinabi nito na ang 10 ay regular member ng NPA habang ang 8 ay miyembro ng Militia ng Bayan (MB) na sumurender noong 2021.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Dagdag pa ng opisyal, sa kabuuan ang P270K dito ay agarang tulong; tulong pangkabuhayan naman ang P500K; firearm renumeration naman ang P144K at ang P378K ay reintegration assistance.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ang cash aid ay makatutulong sa mga dating rebelde na magsimula ng bagong buhay.

Nagpasalamat naman ang commander ng nasabing brigade na si Brig Gen aldwine Almase dahil sa desisyon ng mga dating rebelled na bumalik sa mainstream society.