Mahigit kalahating milyon, danyos sa nangyaring sunog sa Koronadal

KORONADAL CITY — UMAABOT sa P581, 250 ang iniwang pinsala sa nangyaring sunog sa dalawang bahay kahapon sa Purok San Francisco, Barangay New Pangasinan, Koronadal City.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Senior Fire Officer Alexander Alinsugay ng Bureau of Fire Protection – Koronadal, inihayag nito na posibleng mula sa naiwang apoy sa kusina o sa linya ng kuryente ang apoy.

Read More:  Public school teacher arrested in Davao del Oro drug bust

Dagdag pa ni Alinsugay na apat na pamilya ang apektado ng sunog at wala namang naiulat na sugatan.
Napag-alaman na ang nasabing pamamahay ay pagmamay-ari ni Pedrito Bemudez at pawang mga anak at apo nito ang nakatira.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested