P 371 million supplemental budget ng So.Cot, aprubado na

KORONADAL CITY- APRUBADO na ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato sa 3rd and final reading ang appropriation ordinance para sa Supplemental Budget No. 1 ng probinsya.

Sa isinagawang session noong Lunes, naging unanimous ang desisyon ng mga miyembro ng SP sa pag-apruba sa Calendar Year 2022 General Fund and Economic Enterprises Supplemental Budget No. 1 na nagkakahalaga ng P 371, 337, 141.23.

Ito ay gagamitin para sa operasyon ng iba’t ibang mga opisina ng provincial government katulad na lamang ng fuel, office supplies, sweldo, at sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa ng probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *